Ano ang katanggap-tanggap na gender reveal?
0 comments

Filipino / Tagalog
Magandang Araw sa lahat! Nawa'y nasa mabuting kalagayan kayo.
Para sa topic natin sa Tagalog Trail sa araw na ito, itinatanong sa atin ang katanggap-tanggap o, sa wikang Ingles, ay acceptable na gender reveal para sa sa mga nagbubuntis (shoutout pala sa inyo at congrats). Nawa'y maging smooth at happy ang experience hanggang sa panganganak.
Tungkol naman sa ating topic, sa aking palagay ay depende ito sa mga magulang. Iba't-iba kasi ang personalidad, kakayahan, at pag-uugali ng bawat isa. So, kung ako ang tatanungin ay walang basagan ng trip. Gawin mo ang gusto mo basta hindi ka nakaka-abala at nakaka-perwisyo ng iba.
Sa mga lumalabas kasi sa social media ay may makikita tayong simple lang na mga gender reveal, meron ding over the top na nakaka-apekto na sa mga wala namang kinalaman sa inyong pamilya at sa baby. Sa simpleng pag-search sa YouTube ay makikita na agad natin ang mga failed gender reveal compilations na nakakatawa naman talaga.
Ibig sabihin lang nito ay iba't-iba ang kalagayan at kagustuhan natin. Mayroong nagnanais na sa malapit na kaibigan at kapamilya lamang ang okasyong ito, para sa iba naman ay bongga at pampubliko na event. Yun nga lang, kahit simple at pribadong gender reveal ay naisisiwalat na rin ito sa publiko sa oras na may nag post nito sa social media na kasama sa iilang imbitado.
Bilang pangwakas, mungkahi ko lang na irespeto natin ang bawat isa. Kung ano ang hiling ng mga magulang na paraan ng pagsasabi ng kasarian ng kanilang anak ay igalang natin ito. As long as hindi ito lilikha ng kaguluhan at masamang dulot sa mga kapitbahay ay go lang ng go.
@juanvegetarian
*I decided to include an English translation for non-Tagalog speakers. You can skip this part if you read the Tagalog text. Read on if you just want to enjoy reading in another language.😀
English translation
Good day to everyone! May you all be in good spirits.
For our Tagalog Trail topic today, we are discussing what is considered an acceptable gender reveal for expectant parents (shout-out to all of you, and congratulations!). May your experience be smooth and joyful all the way to childbirth.
Regarding this topic, in my opinion, it depends on the parents. Everyone has different personalities, abilities, and behaviors. So, if you ask me, there’s no need to criticize anyone’s choices. Do what you want as long as you’re not causing inconvenience or harm to others.
On social media, we see a range of gender reveals. Some are simple, while others are over the top and affect people who aren’t directly involved in the family or the baby. A quick search on YouTube reveals hilarious failed gender reveal compilations.
This simply means that we all have different situations and preferences. Some prefer an intimate gender reveal with close friends and family, while others go all out with a public event. However, even a simple and private gender reveal becomes public when someone posts it on social media, most probably from those guests who were invited.
In conclusion, my suggestion is to respect each other. Whatever method parents choose to reveal their child’s gender, let’s honor it. As long as it doesn’t cause chaos or harm to the neighbors, go ahead and celebrate! 🎉
That's it for today's blog post. Thanks for dropping by and spending time on my blog. I hope your day goes well and you go to bed happy and contented of the blessings, big and small.
Love and peace.
@juanvegetarian
*BTW, I used/edited this Canva template for this post. Please check it out and support the Canva artist. Thanks.
Comments