DIGNIDAD AT AKO!

17 comments

aimharryianne320.763 years agoPeakD9 min read

-Mapagpalang gabi sa inyong lahat, kumusta?!🙏

This is my entry into the contest ng Tagalog Trail Community.

Ito ang tanong na napili ko na sagutin

NON-FICTION

Kasikatan o Dignidad?

Ito ay panahon na ng mga influencers at napakaraming nagsisulputan upang ipahayag ang kanilang saloobin. Ikaw na isa ring gumagawa ng blog/vlog sa blockchain na ito ay isa ring influencer. Ngayon, kung ikaw ang tatanungin, ano ang mas importante sa iyo. Ang kasikatan o ang iyong dignidad?

 🍒--------------🍒----------------🍒-------------🍒

DIGNIDAD AT AKO

Ano nga ba ang mahalaga sa isang indibidwal? Dignidad o kasikatan?.

Dignidad ang mas mahalaga para sa akin. Ito ang isang bagay na kailanman ay hindi mananakaw o mabibili ninuman. Ano nga ba ang sukatan ng dignidad? Maaaring bawat isa ay may iba't ibang pagtingin o pagpapaliwanag tungkol dito, nakadepende ito sa mga prinsipyo at paraan ng pamumuhay o kultura ng tao.

Ang aking Dignidad ang aking crowning glory..pinagmumulan din ng aking lakas. At buong kababaang-loob kong sinasabi na ipinagmamalaki ko ang aking dignidad, at lagi kong sinasabi ito kahit noon pa man, handa akong ipagsapalaran ang aking buhay para lamang maprotektahan ito sa lahat ng bagay. Ginawa ko rin itong inspirasyon, na-motivate ko ang aking sarili na protektahan ito, ipagtanggol ito at ipagbawal ang sinumang sumubok na guluhin ito. Ano ang dignidad sa akin? Ang dignidad para sa akin..ang birtud ko ba bilang babae, bilang tao sa kilos, ugali..ang paraan ng pagsasalita ko, ang reaksyon ko sa isang relasyon sa iba't ibang aspeto maging sa relasyon sa pag-ibig, kaibigan o anumang uri ng pakikipag-ugnayan sa iba't ibang tao..ang dignidad ay karapatan ko rin bilang tao..at binuo ko ito ng napakalakas na proteksyon mula sa pagmamahal, paggalang at pag-aalaga na nakuha ko mula sa aking mga magulang, pamilya at lahat ng mga mahal sa buhay.

At para sa akin ang dignidad ay may malalim na pakahulugan.Sumasalamin ito kung paano mo pahalagahan ang iyong paniniwalang ispiritwal, respeto sa sarili at mga gawaing pinapahalagahan ko sa aking pagkatao. Wala akong nilalait na kahit ano mang sekta o relihiyon, o tao at para sa akin ang pagsunod sa sa pamumuhay na naaayon sa mga kautusan sa aklat ng salita ng diyos ay malaking bahagi ng dignidad ko. Hindi ako perpekto, napakarami kong pagkakamali at pagkukulang sa sarili ko at sa ibang tao, ngunit taas noo pa rin ako na magsasabi na ang dignidad ko ay ang crowning glory ko. Sapagkat pilit kong itinutuwid kung ano man ang pagkakamali ko, tinatanggap ko ang bawat pagkakamali ko, at marunong akong humingi ng tawad sa mga taong nagawan ko ng pagkakamali, ng may pagpapakumbaba, ngunit dahil na rin sa pagpapahalaga ko sa aking dignidad, mas sinisikap ko na gumawa ng mabuti na walang hinihintay na kapalit, madali akong magpatawad at kahit kailan hindi ako nagtanim ng sama ng loob at galit kaninuman kahit na sa mga taong nakasakit at nakagawa ng mali sa akin. Mapagpasensya ako, mababa ang loob at hindi mabilis magalit, ngunit dahil na rin sa pagpapahalaga ko sa aking dignidad, hindi ako ang tao na luluhod at magmamakaawa lalo na sa mga taong alam ko na walang minimithing maganda sa iba, sa diyos lang ako luluhod, maaari makiusap ako pero hindi para payagang alipustahin ako ng ibang tao, mapagbigay ako ngunit hindi din ako papayag na tapakan ng kahit sino ang pagkatao ko, ang kasikatan dumadating ng kusa yan at nais ko ay ang mapayapa, kumportable at simpleng buhay. Ang dignidad ko na makakaprotekta din sa pamilya at mga mahal ko sa buhay. Hinding hindi ko din ipipilit ang sarili ko sa mga tao, organisasyon o kahit sa ano pa man, lalo na at nararamdaman ko na hindi ako tanggap,hindi ako mayabang at lalong hindi ako mapagmataas, ako ay mapagmahal at maaruga ngunit may respeto ako sa sarili ko at sa iba, alam ko ang limitasyon ko at ng bagay-bagay at di ako nilalang ng Diyos at inaalagaan ng mga magulang ko para alipinin lang ng ibang tao, alipin lang ako ng pananampalataya ko sa diyos kahit hindi ako perpekto.

Tulad ng nangyari sa anak ko, a 13-year-old boy sa halip na magsalita ng masama at maghiganti, Pinayuhan ko ang anak ko na magpatawad at isipin na lahat ay may layunin at dahilan. At ipinagmamalaki ko ang aking anak sa pagiging kalmado, mabait, mapagkumbaba at pagtanggap sa anumang pagkakamaling nagawa niya. Masaya ako kung paano niya pinapraktis ang mga itinuro ko sa kanya sa kahalagahan ng kabutihan at dignidad. Pinagmamalaki kita pinakamamahal kong anak @czander Sumaiyo nawa ang Diyos sa lahat ng oras. Hindi niya ibinaba ang sarili niya sa level ng paguugali ng mga taong walang pagpapahalaga sa kapakanan ng iba. Maaari ninyong bisitahin ang kanyang account kahit expired na ito.

Walang katumbas na halaga ang dignidad isa itong kayamanan na dapat alagaan at palaguin para sa ikauunlad ng sarili at positibong epekto para sa iba. Ito ay hindi ego or pride, ito ay self-love.

*Maaari nyo ring basahin ang supporting article na isinulat ko noon about dignity, ito po ang

  🍒-----------🍒-----------🍒------------🍒

ENGLISH VERSION
This is the question that I have chosen to answer

NON-FICTION

Fame or Dignity?
This is the time of influencers and there are so many emerging to express their opinion. You who are also a blog/vlog maker on this blockchain are also an influencer. Now, if you are asked, what is more important to you? The popularity or your dignity?

DIGNITY AND ME

Dignity is more important to me. This is something that no one can ever steal or buy. What is the measure of dignity? Everyone may have a different view or explanation about it, it depends on the principles and way of life or human culture.

My Dignity is my crowning glory..the source of my strength too. And I humbly say that I am so proud of my dignity, and I always say this even before, I am willing to risk my life just to protect it at all costs. I also made this my inspiration, it made me motivate myself to protect it, defend it and prohibit anybody who tried to mess with it. What is dignity to me? Dignity for me..is my virtue as a woman, as a human in actions, behaviors..the way I talk, and the way I react in a relationship in different aspects be it in a love relationship, with friends, or any kind of interaction with different people..dignity is also my rights as a human..and I built very strong protection on it from the love, respect, and care I have gotten from my parents, family, and all loved ones.

And for me, dignity has a deep meaning. It reflects how you value your spiritual beliefs, self-respect, and activities that I value in my personality. I do not insult any sect or religion, or people, and for me following the lifestyle that is by the commandments in the book of God's word is a big part of my dignity. I am not perfect, I have many mistakes and shortcomings in myself and other people, but I am still humble to say that my dignity is my crowning glory. Because I try to correct whatever my mistake is, I accept every mistake I make, and I know how to apologize to the people I made a mistake with, with humility, but also because I value my dignity, I try harder to do good without expecting anything in return, with a great amount of humility, I forgive easily and I have never held grudges and anger towards anyone even those who have hurt and done wrong to me. I am patient low-spirit and not quick to anger, but also because I value my dignity, I am not the person who will kneel and beg especially people who I know do not wish anything good on others, I will only kneel to God, I will not to allow other people to insult me, I'm generous but I also won't allow anyone to trample on my character, fame comes naturally and I want a peaceful, comfortable and simple life. My dignity can also protect my family and loved ones. I will never force myself on people, organizations,s or anything else, especially if I feel that I am not accepted, I am not arrogant and I am not proud, I am loving and caring but I have self-respect me and others, and I know my limits and things and that God didn't create me and my parents didn't love and took care of me just to be a slave to other people, I'm just a slave of my faith in God even though I'm not perfect.

Like what happened to my son, a 13-year-old boy @czander when he experienced discrimination and humilation here, instead of letting myself nag and make explosive revenge thru words, I just advised my son to forgive and think that everything happened with purpose and reason. And I was so proud of my son for being so calm, kind, and accepting whatever mistake he had made. He did not bring himself down to the level of the people who don't have compassion for others. I am proud of you my beloved son @czander. May God be with you always. You may visit his account @czander to check his articles there though he is not here anymore.


Dignity is priceless, it is a treasure that must be nurtured and cultivated for self-development and a positive impact on other people.It is not ego or pride, it is self-love.

*You can also read my previous article that I have written before and here is the

  🍒--------------🍒----------------🍒-------------🍒

If you want to participate here is the

Panatilihin ang magandang ngiti at maging sentro sana ng ating buhay ang ating Panginoong Diyos.🙏Huwag kalimutang magdasal.

PS- Wala po akong litrato na nai-upload dahil appeared "not found" everytime na mag-upload ako palagi. Kaya video photo po ang ginawa ko. (I uploaded a video photos because I have difficulties on uploading photos, I dont know why)

(Photos are owned by yours truly and captured using my phone camera, edited and compiled using Pixlr, Incollage and Capcut editor

Hashtags 8
A general topic community built around PoB technology and the POB token

Comments

Sort byBest